About
Advertisement |
Sa 14 taong nabubuhay, medyo marami-rami na rin ang naririnig kong ganyan. Kaya siguro ganito ako ngayon. Masyado akong maingat sa mga sinasabi ko, pinopost ko at ginagalaw ko. Feeling ko kasi pag sinabihan ako ng “Ang pangit naman ng gawa mo.” okaya nama’y “Napapano ka? Bakit ganyan?” eh, wala akong talento at walang silbi sa mundong ito. Kahit sabihin niyong nakakasali ako sa mga singing contests sa eskwela, feeling ko hindi sapat ang ginawa ko. Dati kasi may nagsabi daw saakin na, “Si Tam Sibal? Hindi naman maganda boses nun eh. Para ngang pilit eh.” Kaya ayun tuloy, nawala tiwala ko sa sarili. Sabi nga nila, perfectionist daw ako. Ewan ko ba. Bakit naging ganyan ako. Pero eto ang alam ko, kailangan ko nalang tanggapin lahat ng mga pagpula sa bawat galaw ko. - - - At dahil tinatamad na akong gumawa ng bagong post… Daming test bukas! Filipino, Social Studies and Math! :-( Bakit kasi hindi man diniscuss ni Sir yung last na lesson sa Math. Pano ako babawi? // Okay, bye. Themes by The Little Mermaid, Kisty |
|