
2009
Sa picture na ‘to nagstart yung pagtawag ng giraffe saakin ng ate ko. Haba ng neck ko. Hahahaha. :))
I used to smile like this. sungkiangngipin.jpg Hahaahaha
Year 2005? :-D Saw these photos from our old camera(which I’ll blog about later. Hahaha.) Pabangs-bangs din po noon. Hahaha!

Old photo of me. Ganda ba? Hahahaha!
Sa 14 taong nabubuhay, medyo marami-rami na rin ang naririnig kong ganyan. Kaya siguro ganito ako ngayon. Masyado akong maingat sa mga sinasabi ko, pinopost ko at ginagalaw ko. Feeling ko kasi pag sinabihan ako ng “Ang pangit naman ng gawa mo.” okaya nama’y “Napapano ka? Bakit ganyan?” eh, wala akong talento at walang silbi sa mundong ito. Kahit sabihin niyong nakakasali ako sa mga singing contests sa eskwela, feeling ko hindi sapat ang ginawa ko. Dati kasi may nagsabi daw saakin na, “Si Tam Sibal? Hindi naman maganda boses nun eh. Para ngang pilit eh.” Kaya ayun tuloy, nawala tiwala ko sa sarili.
Sabi nga nila, perfectionist daw ako. Ewan ko ba. Bakit naging ganyan ako. Pero eto ang alam ko, kailangan ko nalang tanggapin lahat ng mga pagpula sa bawat galaw ko.
- - -
At dahil tinatamad na akong gumawa ng bagong post…
Daming test bukas! Filipino, Social Studies and Math! :-( Bakit kasi hindi man diniscuss ni Sir yung last na lesson sa Math. Pano ako babawi? //
Okay, bye.
Iba-iba ang mga sasabihin ko dito sa post na ‘to. So baka malito kayo. :D
Hi! Alam niyo ba yung pakiramdam na bawat galaw mo, eh, may nagcricriticize sa’yo? Yung bawat galaw mo sinasabihan ka ng mga bagay na ayaw mong marinig? Na ayaw mong marinig na sabihin nila sa’yo. Hindi ko alam kung saan ko nakuha itong ugaling ganito. Tapos meron pa. Yung akala mo halos lahat ng tao galit sa’yo? Eto pa. Yung nararamdaman mo na wala kang saysay sa mundong ito. Na lahat nalang ng ginagawa mo, epic failure.
Haaaay buhay. Ang daming problema, ang daming mga challenges. Grabe level 9000x na ata ‘to. Sana may infinite ako ng life para kahit ilang beses ako ma-out, mabubuhay at mabubuhay parin ako. Pero sa ngayon, parang konti nalang. Sana umabot pa ‘to. Siguro dahil ‘to sa sobrang daming inaalala sa school, sa bahay at sa sarili.
Naalala ko nung January. Nung karating ko ng school, napaiyak ako. As in iyak talaga. Papunta na kasi ako nun sa P.O., nakita ako bigla ni Mae na parang naluluha na. Bigla niya akong pinuntahan, “Tam! Napano ka?” Tapos ayun, di ko napigilan, napaiyak na lamang ako bigla. Pag pala ganyan, wala ka nang pakialam kung nakita ka ng mga taong umiiyak noh. Kasi di mo mapigilan eh. Bigla nalang lalabas yan. Tapos naka-upo kami ni Mae dun sa harap ng Clinic. Dun ko binuhos sakanya. Ang hirap mag kwento nun kasi solid ang sakit sa puso. Yung pag pinipigil mo luha mo. Pero syempre, kailangan ipagpatuloy ang araw. Tumayo na kami at pinunasan ko na ang luha ko.
Ang tagal ko nang gustong ilabas ‘to. Kaso nagdadalawang isip ako. Baka anu-ano nanaman ang mga maisip niyo sakin.
Oh ikaw, anong kwento mo?
May test pa pala kami sa bio bukas, wala naman akong kaalam-alam dahil wala ako nun. :(
Nicole started this! Hahahaha!

(via ikemensan)

Lololol! :))